IQNA

Piyesta na Pandaigdigan para Itaguyod ang Kultura ng Ashura

11:39 - March 08, 2022
News ID: 3003837
TEHRAN (IQNA) – Nagplano ang Pondasyong Pandaigdigang Ashura na magsagawa ng ikalawang edisyon ng piyestang pandaigdigan na nagtatampok sa buhay ni Imam Hussein (AS) at sa kultura ng Ashura.

Pinamagatang “Ana Min Hussein (Ako ay mula kay Imam Hussein (AS)), ito ay isasaayos sa pakikipagtulungan sa maraming bilang ng iba pang mga instituto at mga sentro, sinabi ni Ayatollah Mohammad Hassan Akhtari, ang namamahalang patnugot ng pondasyon.

Nanawagan siya sa mga may-akda, mga pintor, mga mananaliksik at iba pang mga interesado sa larangan upang gumawa at magpadala ng mga likhang sining at mga papel na pananaliksik sa buhay at Seerah ng ikatlong Imam (AS) at Ashura.

Sinabi ng kleriko na ang piyesta ay naglalayong suportahan at itataguyod ang mga talento at pag-aaral upang maipakilala ang paaralan ni Imam Husayn (AS) sa mundo.

Sinabi niya na ang Seerah ng Imam Husayn (AS) ay may iba't ibang mga anyo at pag-aaral tungkol sa mga anyong ito ay kailangan para sa lahat.

Idinagdag ni Ayatollah Akhtari na ang pagsasalungat sa mga pagbaluktot at pagtataguyod ng katotohanan tungkol sa Seerah at buhay ni Imam Husayn (AS) ay isa pang layunin ng piyesta, na binabanggit na ang ilang mga kaaway ay nagsikap na magpakalat ng maling mga ideya at magulong mga pananaw tungkol sa makasaysayang mga katotohanan.

Sinabi pa niya na ang piyesta ay gaganapin sa limang mga kategorya ng sinehan, tula, mga aklat at mga papel, nilalaman ng himpapawid na kalawakan (cyberspace), at mga espesyal na mga pananaw.

Ang huling petsa para sa pagsusumite ng mga gawa ay Setyembre 22 at ang parangal na seremonya ay gaganapin sa Pebrero 2023, sinabi pa niya.

 

 

3478067

 

captcha