IQNA

3,400 mga Mag-aaral ng Qur’an ay Dumalo sa Pagsasara ng Pagdiriwang ng Tag-init na mga Kurso sa Karbala

17:13 - July 31, 2022
News ID: 3004368
TEHRAN (IQNA) – Ang mga kursong Qur’anikong tag-init na isinaayos ng Astan (pangangalaga) ng banal na dambana ni Imam Husayn (AS) ay nagtapos sa isang pagdaraos sa banal na mausoleum sa Karbala, Iraq.

Humigit-kumulang 3,400 mga lalaki at mga babae na kumuha ng mga kursong Qur’aniko ang naroroon sa pagdiriwang, na magkasama na ginanap ng Centro ng Dar-ol-Qur’an at Ralihiyosong mga Kapakanan ng Departmento ng Astan.

Si Salah al-Silawi, pinuno ng Qur’anikong centro ng media ng Astan, ay nagsabi na 300 mga lalaki at mga babae na mga guro mula sa Sentro ng Dar-ol-Qur’an at Relihiyosong mga Kapakanan ng Departmento ang nagturo ng Qur’an pagsasaulo, pagbigkas, Islamikong mga pananampalataya at Fiqhi (jurisprudential) na mga leksiyon sa mga kalahok. .

Ang pagdaraos ng pagsasara, na dinaluhan ng tagapag-alaga ng banal na dambana na si Sheikh Abdul Mahdi al-Karbalayi, ay nagsimula sa pagbigkas ng mga talata mula sa Banal na Qur’an ng kilalang qari na si Sayyed Abdullah al-Hussaini.

Pagkatapos ay maraming opisyal ang nagpahayag ng mga talumpati, na binibigyang-diin ang kahalagahan ng pag-aayos ng mga kurso sa Qur’an at pagtataguyod ng mga turo ng Qur’an.

Nagsimula ang mga kurso sa banal na dambana at sa mga sangay ng Sentro ng Dar-ol-Quran sa ibang mga lungsod ng Iraq noong unang bahagi ng Hunyo.

Tumatagal ng humigit-kumulang isang buwan sa panahon ng bakasyon sa summer, ang mga kurso ay itinanghal para sa mga babae sa umaga at para sa mga lalaki sa hapon.

Ang Astan ni Imam Husayn (AS) ay nagtataglay ng iba't ibang Qur’anikong mga palatuntunan sa Iraq at iba pang mga bansa upang itaguyod ang Qur’anikong mga konsepto at mga aral.

 

3479878

captcha